Biyernes, Agosto 8, 2014

"PAMAHALAAN"
Ang layunin nito ay panatilihin ang katiwasayan at kaayusan ng lipunan. Ang kontribusyon nito ay nakapagbibigay ng mga pangangailangan ng bawat mamamayan. Ang tunguhin nito ay makapagpatupad ng mga patakaran para sa ikabubuti ng lipunan. Ang kasalukuyang kalagayan nito sa ating bansa ay mayroong ibang mga namamahala na nangungurakot sa pondo ng bayan, kaya't ang epekto nito ay hindi lang sa kanila kundi para na rin sa atin. Karamihan sa mga namamahala ay hindi nakikiisa sa mga proyektong pinapatupad ng pamahalaan. Mayroon din naman itong naitutulong sa pag-unlad ng ating lipunan tulad ng mga pangangailangan natin lalo na tuwing mayroong sakuna. Mayroon din namang naitutulong sa pagkamit ng mga layunin sa ating lipunan bagama't, hindi ito sapat para matugunan kung paano mapaunlad ang ating lipunan.

Huwebes, Agosto 7, 2014

"SIMBAHAN"
Ang layunin ng simbahan ay maibahagi ang mga salita ng Diyos at mapahayag sa mga tao na dapat matuto tayong magkaroon ng pananalig at takot sa Diyos. Ang kontribusyon nito sa lipunan ay gawin itong matiwasay dahil kung walang simbahan maaaring mawalan ng katiwasayan ang lipunan.Ang tunguhin  nito sa kasalukuyan ay  bigyang aral ang bawat mamamayan na sa kahit ano pang bagay mahalaga pa rin ang pananampalataya at siyempre ang takot sa Poong Maykapal. Sa kasalukuyan  ang kalagayan nito ay marami na sa mga tao ang hindi binibigyang halaga ang simbahan halimbawa marami na ang sumusuway sa mga patakaran sa simbahan. Sa pagkamit ng layunin kinakailangan na sumunod tayo sa kung anong tama at huwag ng gawin ang mga bagay na alam naman nating mali. Mayroon na itong naitulong sa pag-unlad ng lipunan tulad na lang ng mga magagandang asal na natutunan ng mga mamamayan dahil kung mayroong paniniwala ang bawat isa sa ating Panginoon magkakaroon tayo ng matiwasay na lipunan. Nakatutulong ito sa pagkamit ng layunin sa paraan ng pagkakaroon ng mabubuting pakitungo sa ating mga kapwa dahil kung gusto mong pakitunguhan ka ng mabuti ng iyong kapwa kinakailangan pakitunguhan mo rin sila kung papaano sila makitungo sa iyo.